Instale o App no seu celular - é grátis!
♪Músicas Mais Tocadas

Letra / Lyrics

Palaisipan — Loonie

Sa palaisipan ba tayo dapat nagsisimula? Baby, pakiusap Kung magpapakilala sana Puwede bang idaan mo lahat sa hawak? Naligaw lang sa dinami-dami ng mga Pasikot-sikot sa 'yong katawan Sana lang ay mapadaan, hmm Nabulag sa 'yong mga kurbada Nabudol sa mga usapang walang kontrata Harutan hanggang sa abutan nang umaga Walang sagot sa katanungang, "Tayo nga ba?" Aruy, kung ayaw masaktan, 'wag nang umasa (no) Nagbabakasali na lang na tsumamba Ang mga dasal sa Maykapal, sana gumana Kaso madalas sila ni Satanas ang magkakuntsaba Matagal ko na 'tong 'pinapanalangin Na ika'y tuluyang mapaibig sa 'kin Ngunit ako'y parang dagang dinagit lang ng lawin Pinaglaruan tapos pinakawalan rin Tinig ay tahimik, isip ay malalim Hirap nang basahin, tila ba Baybayin Sarili kong lengguwahe ng pag-ibig ay pag-amin Ikaw ginawa mong sining ang pagiging sinungaling Kung magpapakilala sana Puwede bang idaan mo lahat sa hawak? Naligaw lang sa dinami-dami ng mga Pasikot-sikot sa 'yong katawan Sana lang ay mapadaan Ano ba talaga tayo? Para lang klaro Kailangan kong malaman kung mahal mo pa ba 'ko Naglalaro ka lang ba o nananarantado? Kasi nakita ko kahapon may kasama kang bago Ayoko nang umasa sa mga usapang malabo Parang gamugamong nadarang at napaso Nadala at mas lalo lang nawala At naglaho ang mga balak at plano Nagmukha pa 'kong gago Kaya walang mga pangako, puro para-paraan Laging telebabad kahit walang tawagan Araw-araw normalan, kasi para pa saan Ang mga sumpaan kung wala namang karapatan? Ibig kong maliwanagan, 'wag mo sanang diliman Kapaan parang magkasintahan sa sinehan, matinding palaisipan Sa dami ng pasikot-sikot, nagkakasalisihan Kung magpapakilala sana Puwede bang idaan mo lahat sa hawak? Naligaw lang sa dinami-dami ng mga Pasikot-sikot sa 'yong katawan Sana lang ay mapadaan Oras at konting espasyo lang Ang kailangan nating dal'wa sa ngayon Ngunit parang 'di naman 'to hadlang Palapit na tayo sa kalawakan May dalawang magkasintahan sa taas ng bundok Nagkasundong tapusin ang buhay nilang malungkot Hindi na masaya sa kama, hanap na ay tuldok Usapan ay sabay silang tatalon sa tuktok Sabi niya, "Magtiwala ka lang sa 'kin, mahal ko Talon tayo nang sabay, pagbilang ko ng tatlo" Kaso lang ang problema pagkatapos niyang bumilang Siya lang ang tumalon Si babae nagpaiwan habang nakatingin sa kaniya, nakangiti lang Ngunit biglang nagulat ang babae Nang nakitang nakangiti din si lalaki habang pababa siya Sabay biglang buka ng dambuhalang parakayda Ngayon, sino'ng mas taksil sa dalawa? Sino ang mas tuso? Sino ang mas tanga talaga? 'Yong lalaki ba na may dalang backup plan? O 'yong babae na wala siyang balak back up-an?

Com assinatura de Loonie, "Palaisipan" chegou ao YouTube em 22 de agosto de 2025 e já soma 54,7 mi de visualizações. São 98 mil curtidas até agora, numa duração de 4:07. Dê play e a sequência segue automaticamente com outras músicas da parada.

Veja todas as paradas em Músicas Mais Tocadas e explore todos os estilos musicais.